Tuesday, March 2, 2010

Partylist naman ang pinasok ni Mikey Arroyo








Original Story: http://abante.com.ph/issue/march0210/op_et.htm


Hindi talaga humihinto itong mga Arroyo sa pambababoy ng batas para lang manatili sa kapangyarihan.

Dahil nawalan siya ng kaharian sa pagtakbo ng nanay niya bilang congressman ng pangalawang distrito ng Pampanga, nakahanap siya ngayon ng paraan na manatili sa Kongreso sa pamamagitan ng partylist, na nilagay sa Konstitusyon para mabigyan ng representasyon ang grupo ng mga mahihirap at mahihina sa lipunan. Kasi naman hindi sila maaring makipaglaban sa mga tradisyunal na pulitiko sa eleksyon.

Nominado si Mikey bilang unang kinatawan ng Ang Galing Party (AGP) na ang nirepresenta raw ay transport drivers at security guards. Kasama niya ang outgoing mayor ng Lubao na si Dennis Pineda.

Ang kapal talaga at ang kapal din ng Comelec kung apruba­han ito.

Kung matuloy si Mikey rito, lima na silang Arroyo sa House of Representatives dahil mukhang mananalo naman talaga ang nanay niya. Maliban kay Mikey at nanay niya, nandiyan na ang kanyang tiyo na si Rep. Ignacio Arroyo, kinatawan ng isang distrito sa Negros Occidental; ang kanyang kapatid na si Diosdado “Dato” Arroyo, kinatawan ng Camarines Sur; at ang kanyang tiya na si Rep. Ma. Lourdes Arroyo ng Kasangga Party.

Halatang kasama ito sa plano ni Arroyo na makontrol ang House of Representatives bilang speaker para ma-pressure niya ang pre­sident na magkaroon ng Charter change at magpapalit tayo ng sistema ng gobyerno sa parliamentary system at babalik siya sa kapangyarihan bilang prime minister.


Ang kapal!

Kaya galit na galit din si Etta Rosales, dating partylist representative ng Akbayan. Sabi niya sinasamantala ng mga Arroyo na busy ang lahat sa kampanya sa eleksyon. Hindi natin alam, nakapasok na ulit itong si Mikey sa Kongreso bilang kinatawan ng tricycle driver at security guards katulad ng tiya n’ya na kinatawan daw ng mga maliliit na nagtitinda katulad ng magbabalut. Naku po!

Ang isa pang nambabastos ng partylist system ay itong si Energy Secretary Angelo Reyes na nominado ng United Transport Koalisyun (1-UTAK). Kaya galit din ang PISTON (Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide).

Aabot daw sa 187 ang partylist groups na kadudang inaprubahan ng Comelec. Ang bilis nilang mag-apruba sa mga kaduda-duda at ang bilis din nilang magdis-aprub ng tunay na kumakatawan ng mga naaapi at marginalized katulad ng Ang Ladlad, Migrante at Magdalo.

Sabi ni Etta, nilalagyan nila ng “1” ang pangalan para mauna sila sa mga partylist na nagsisimula ng “A”. Katulad nitong “1-Ako Babaeng Astig Aasenso”. Ano ba ‘yan?

***

Blog: www.ellentordesillas.com
E-mail: ellentordesillas@gmail.com


Original Story: http://abante.com.ph/issue/march0210/op_et.htm

No comments:

Post a Comment