Original Story: http://www.abante-tonite.com/issue/dec3109/news_story9.htm
Inendorso ng one-million strong Kristiyanong Kabataan para sa Bayan (KKB) Movement si Bangon Pilipinas Party standard bearer Bro. Eddie Villanueva, sa pagsasabing siya ang pinakakuwalipikadong kandidato para pangulo sa 2010.
Ibinigay ng KKB Movement ang manifesto of support nito kay Bro. Eddie sa Youth Summit ng grupo na dinaluhan ng 10,000 miyembro nito sa Cuneta Astrodome noong Martes.
Naging tampok ang mensahe ni Bro. Eddie sa KKB Youth Summit, isang taunang convention ng youth leaders na kumakatawan sa mga miyembro ng KKB sa Metro Manila, Luzon, Visayas, Mindanao at iba pang chapters sa 44 pang mga bansa.
Ang KKB Movement ay may isang milyong miyembro sa Pilipinas at ibang bansa.
Nagtayuan ang mga miyembro ng KKB sa Cuneta Astrodome upang sumayaw at kumanta ng “Sino pang may malasakit at pag-ibig sa bansa? Sino pa? EDDIE ako!” (“Who else cares about and loves the country? Who else? But me!”) habang nagpe-perform ang sikat na rapper-singer na si Gloc-9 sa KKB Movement.
Original Story: http://www.abante-tonite.com/issue/dec3109/news_story9.htm
May nangimbita na sumali sa Kabataan Para sa Bayan (KBB), okay naman ang adhikain, may mga sumali, pero di nila alam na dito pala papunta sa pag-endorso kay Eddie. Sabi ko na nga bah eh, buti na lang di ako sumali. Ngayon ko lang nalaman na ginamit lang sila sa huli bilang "numbers" to create a band wagon.
ReplyDelete