Original Story: http://www.gmanews.tv/story/181170/gibo-kaya-ring-umangat-sa-survey-gaya-ni-villar-ayon-sa-admin
MANILA – Kung nagawa ni Senador Manny Villar na umangat sa mga survey, kaya rin umano ni dating Defense Secretary Gilberto “Gibo" Teodoro.
Ito ang inihayag ng mga kaalyado ng administrasyon na sumusuporta sa kandidatura ni Teodoro kaugnay sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan bahagyang bumaba ang rating ni Liberal Party standard bearer Sen Benigno “Noynoy" Aquino III, at umangat naman ng anim na puntos ni Villar.
Sa isang pahayag nitong Sabado, kampante si Bulacan Rep. Lorna Silverio, na aangat ang rating ng pambato ng administrasyon na si Teodoro sa mga susunod na survey kapag pormal na nagsimula ang kampanya.
“If Senator Manny Villar’s rating could go up, so does Gibo’s ranking," ayon kay Silverio, pinuno ng House Committee on Interparliamentary Relations and Diplomacy.
“Gibo is a man of integrity and excellence. His experience and accomplishments will speak for themselves and the people will get to appreciate these in the days to come," idinagdag niya.
Ngunit batay sa bagong SWS survey na sinasabing ipinagawa ng kaalyado ni Villar na si House minority leader Ronaldo Zamora (San Juan), noong Disyembre 27-28, nanatili sa 5 percent ang marka ni Teodoro katulad sa nakaraang survey na ginawa noong Disyembre 5-10.
Sa bagong survey na may 2,100 respondents, nakakuha si Villar ng 33 percent, mas mataas sa dating marka niya na 27 percent. Samantala, nabawasan naman ng dalawang puntos ang marka ni Aquino na bumababa sa 44 percent.
Nanatili sa pangatlong puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada na may 15 percent, mas mababa ng isang puntos sa dati nitong marka. Sumunod sa limang porsiyento ni Teodoro sina Evangelist Bro. Eddie Villanueva (1%); Senator Richard Gordon (0.5%); Sen Ma Ana Consuelo Madrigal (0.4%) at John Carlos delos Reyes (0.4%).
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Kayang abutan si Noynoy
Mula sa dating 33 porsiyento na kalamangan ni Aquino kay Villar noong Setyembre, bumaba ito sa 19 porsiyento, hanggang sa maging 11 porsiyento na lamang sa bagong survey ng SWS.
Ayon kay Agusan del Norte Rep. Jose Aquino II, ang naturang mga numero ay patunay umano na hindi pa rin solido ang pasya ng mga Pilipino na si Sen Aquino na ang susunod na pangulo ng bansa.
“The elections are not over yet, contrary to the belief of the civil society groups supporting Noynoy. His lead is not invincible and just like the other presidentiables, he, too, is vulnerable," pahayag ni Rep. Aquino, vice chairman ng House Committee for East Asian Growth Area.
Naniniwala ang kongresista na patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga botante ang kandidato sa panguluhang halalan sa darating na Mayo.
“Filipino voters are gaining political maturity," aniya. “They are giving emphasis not on popularity but on accomplishments, experience and capability. We can be sure their votes shall be based not on emotions but on the candidate’s merits." – GMANews.TV
Original Story: http://www.gmanews.tv/story/181170/gibo-kaya-ring-umangat-sa-survey-gaya-ni-villar-ayon-sa-admin
No comments:
Post a Comment